Posibilidad sa Pagkamatay ng Hanunó'o Script sa Pilipinas (Opinyon)

Panimula
Ang Hanunó'o o Surat Mangyan ay isa sa mga katutubong sulat o alpabeto sa Pilipinas na karaniwang ginagamit ng mga Mangyan sa katimugang Mindoro at karaniwang ginagamit nila ito sa pagsulat ng kanilang sariling wika.
Ito ay isang abugida na nagmula sa mga alpabetong Brahmic, malapit na nauugnay sa Sulat Tagalog, at sikat sa pagkakasulat nang patayo ngunit nakasulat pataas, sa halip na pababa tulad ng halos lahat ng iba pang mga script (gayunpaman, binabasa ito nang pahalang pakaliwa pakanan). Karaniwang isinusulat ito sa kawayan sa pamamagitan ng paghiwa ng mga karakter gamit ang kutsilyo. Karamihan sa mga kilalang Hanunó'o na inskripsiyon ay relatibong bago dahil sa madaling masira ito sa kawayan. Kaya't mahirap masubaybayan ang kasaysayan ng script.
(Pinagkunan: Wikipedia)

Ang Importansya sa Surat Mangyan

Katulad ng ibang pang mga script ng ating mga katutubo, ang Hanunó'o script ay isa sa mga pinto para maintindihan nating mga Pilipino ang kagandahan ng ating kultura. Dito rin masasalamin ang sarili nating pagkakalilanlan sapagkat ito rin magsisilbing patunay na hindi tuliyang nawala at namatay ang kulturang Pilipino noong panahon pa ng mga Espanyol.

Hindi lang sa kultura pati na rin sa pag-intindi sa sarili nating kasaysayan. 

Ang Problema at Pagkamatay

Ang Pilipinas ay unti-unting nagbabago sa bawat dekada at panahon gayundin ang paggamit ng script na ito. Dahil sa "Westernization" at sa "Modernization", unti-unti ng nagiging walang silbi at katuturan ang Surat-Mangyan. Una, unti-unting napapalitan na ng Alpabetong Latin ang kanilang pagsulat. Pangalawa, karaniwan lang itong ginagamit sa mga ambahan o sa mga awit. Pangatlo, isa lang sa mga miyembro ng pamilya ay marunong bumasa at sumulat.
(Pinagkunan: Omniglot)

May Posibilidad Ba Itong Mabuhay Muli o Maiwasang Mawala?
Para sa tanong na iyan, ang tanging masasagot ko lang ay "hindi" sapagkat ipagbabase ko ito sa iba't-ibang mga dahilan:

1. Lipunan at Ang Komunidad
Merong mga posibilidad na ang ating sariling lipunan ay may epekto kung bakit kailangang baguhin at palitan ng mga Mangyan ang sarili nilang sistema ng pagsulat:
a. Ang presensya ng lenggwaheng Tagalog at Ingles sa mga lipunan ng Mindoro- Karaniwan ang mga lenggwaheng ito ay isinusulat sa alpabetong Latin kaya para makaangkop kailangan nilang baguhin ang sarili nilang sistema ng pagsulat.
b. Nag-iba o nagbago ang kanilang pananaw sa sistema ng kanilang pagsulat - Hindi natin masisisi ang mga Mangyan kung nalaman o nagustuhan nila ang alpabetong Latin sapagkat masmadali itong basahin kaysa sa magbasa ng Hanunó'o. Maaaring nagdulot rin ito ng malaking pagbabago sa kanilang komunidad.

2. Edukasyon
Maaaring edukasyon ito sa bahay, komunidad, o sa paaralan.
a. Paaralan - Ang ating sistema na K-12 ay may dalawang asignaturang wika, Filipino at Ingles na nakasulat sa alpabetong Latin gayundin din ang ibang asignatura na matutunan sa paaralan tulad ng Matematika at Siyensya na pareho ring nakasulat sa Latin.
(Kung ang isang paaralan man ay may asignatura para sa katutubo, ang problema nito ay karaniwan ang iba pang mga asignatura ay nasa alpabetong Latin, ibig-sabihin matatalo nito ang asignaturang katutubo.)
b. Komunidad at Tahanan - Kapag ang isang batang Mangyan ay napilitang matutunan ang sariling sistema ng pagsulat, may posibilidad siya na masawa o mawalan ng interes para mahalin ang sariling kultura. Ito rin ay isa sa mga malaking problema sa komunidad sapagkat piling ng mga kabataang Mangyan ay nawawalan sila ng kalayaan sa pagkatuto. Ibig-sabihin nito at mawawalan sila ng motibasyon para matutunan ito at posibleng talikuran ang kanilang komunidad.
c. Paggamit - Sa panahon ngayon, ang Hanunó'o script ay ginagamit lang sa ambahan o sa pagsulat ng mga tula at awit pero karaniwan hindi nila ito ginagamit sa komunikasyon tulad ng pagsulat ng liham o pagta-type ng message gayundin sa pagbabasa at iba pa. Ito rin ang dahilan kung bakit unti-unti ng napapalitan ng Latin ang kanilang sistema ng pagsulat.

(Reperensya: WhitbySchool.Org)

3. Presensya ng Teknolohiya
Sa modernong panahon ngayon, hindi na maiiwasan ang mga smartphone at gadget. Naging parte na ito ng importansya sa bawat buhay ng mga Pilipino at hindi rin ito maiiwasan ng mga katutubo o tribo ang pagkakaroon ng desenteng modernong teknolohiya. 


Dito rin papasok ang Hanunó'o script, maaaring maapektohan din ito sapagkat alpabetong Latin na ang ginagamit ng mga smartphone, karamihan ay nasa wikang Ingles tuwing gagamit ng Internet o sa Home Screen. Kabilang na rin ang television kung saan makakaimpluwensya ito para ma-expose sila sa Tagalog at Latin. Pero dahil ang mga Mangyan ay kabilang sa mga "isolated" communities, maaaring di nila ito gaanong problema at limited lang ang teknolohiyang meron sila.

Konklusyon

Katulad ng ibang katutubong kultura, ang pag-preserba ng Surat Mangyan ay hindi gaanong kadali. Maraming mga factors ang nakakaapekto sa isang kultura (ilan dito ay ang mga nabanggit), at marami rin itong dulot na pagsubok katulad na lamang ng mga hadlang para mas payabungin pa ito: tradisyonal man o makabago. Tradisyonal, dahil ang surat Mangyan ay isang sagradong sulat; ginagamit ito sa mga ritwal at mga pangrelihiyosong sulatin, habang makabago naman dahil sa ating kulturang digital o ang "globalized culture ng bansa", kung saan nawawala na ang tradisyonal na aspeto ng ating kultura.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Problematic interpretations of Philippine History PART I: Emilio Aguinaldo and the Controversies

Filipino Classical Composers that are Considered One-Hit Wonders (Opinion)